PHILIPPINES PASSPORT RENEWAL PROCESS (PROVINCIAL AREA) IN (PAMPANGA, ANGELES)

Para sa mga kababayan ko na bago lang sa Angeles, Pampanga na gaya ko share ko lang itong na experience ko sa pag-kuha ng passport (renew).  Kasi since birth sa Quezon City talaga kami nakatira, hanggang ngayon naman, kaya lang kina-ilangan ko lumipat dito kasi dito naka base ang trabaho ng asawa ko.  kaya diko alam ang proceso ng pagpapa renew ng passport dito kasi sa Maynila kailangan mag pa-schedule ka muna online tapos antay ka ng isa o dalawang buwan bago pumunta sa D.F.A sa araw ng schedule mo.  Search ako ng search kung paano ang paraan dito sa
Angeles wala ako makita.  kaya naisipan ko i-share na experience ko, para makatulong sa mga mag rerenew o kukuha din ng passport.  Para sa akin mas madali kumuha ng passport sa provincial area kesa sa Manila kasi isang oras lang tapos na agad ang process, ewan ko lang kung yung araw na yun nataon na wala masydong tao, kasi nagpunta ako mga 1:30 pm ng hapon. wala na masyadong tao.  August 20 2015 ako nagpunta dun o nagpa process tapos October 12 2015 na release.  950 pesos lang binayaran ko kasi hindi ko pina deliver, ako mismo ang kumuha sa DFA Office para sa akin mas safe kasi yun.  Kung gusto niyo pa deliver mag add lang ata kayo ng 100 pesos or more.



Passport Fees 2015

Regular Processing (15 working days) – P950

Rush Processing (7 working days) – P1200
An additional fee of P200.00 for a lost valid MRRP / MRP or P350.00 for a lost valid e-passport.
1.  Sa provincial area, hindi mo na kailangan mag-pa schedule online punta nalang kayo deretcho sa malapit n DFA office.  Pagdating niyo doon bibigyan kayo application paper na fill-up an niyo bago pumasok sa loob.  Pero sa pag-kakaalam ko ipapatupad na din sa provincial area ang pag-kuha ng schedule online sa mga susunod na araw.
2.  dalhin niyo mga kailangang documento. dapat naka-xerox and bawat isang documento.


Passport Requirements for New Applicants

·         Personal Appearance
·         Dully accomplished application form
·         NSO Authenticated Birth Certificate (original and photocopy)
·         NSO Marriage Certificate (for females who want to use married surname)
·         1 Valid Government Issued ID (original and photocopy)
·         Passport Processing Fee (P950 for regular processing, P1200 for Rush Processing)

Renewal of Passport Requirements

·         Personal Appearance
·         Old Passport (original and photocopy of pages 1,2,3 and amendment page)
·         NSO Authenticated Birth Certificate (original and photocopy)
·         NSO Marriage Certificate (for females who want to use married surname)
·         Valid IDs or Supporting Documents (original and photocopy)
·         Passport Renewal Fee (P950 for regular processing, P1200 for Rush Processing)

PAALALA: 
Dun sa mga kagaya ko na may-asawang Korean na hindi pa apilyedo ng asawa ang gamit sa passport, tapos gusto niyo gamitin yung surname ng asawa niyo, dalhin niyo yung C.F.O certificate niyo at ipa xerox na din.

Sa San Fernando (Robinsons Starmill) ako nag-punta pero lagay ko na din yung address sa angeles para dun sa mga taga-angeles

DFA ANGELES

ADDRESS: 
3/4 Marquee mall, Pulung Maragul, Angeles City

SCHEDULE:  Mondays to Fridays 10 am - 6 pm / saturdays 10 am - 2 pm

TELEPHONE:  (045) 304-0193 / (045) 304-0194

E-MAIL:  dfaclarksatelite@yahoo.com



DFA PAMPANGA (San Fernando)

ADDRESS:
2/F Robinsons Starmill, San Fernando City, Pampanga

SCHEDULE:  Mondays to Fridays 10 am - 7 pm / saturdays 10 am - 3 pm

TEEPHONE:  (045) 636-0007 / (045) 636-0009

E-MAIL:  pampanga@dfa.gov.ph / rcopampanga@yahoo.com

Sa araw ng release ng passport niyo dalhin niyo ang lumang passport niyo.  Hindi nila kukunin iyon, kaya lang kailangan yun para ipawalang bisa (bubutasan nila yung lumang passport).

Comments

Post a Comment

GOOD DAY MATE! ^_^

Popular posts from this blog

PHILIPPINES 2015: BOOM CHICKEN IN ANGELES PAMPANGA

INCHEON ARAMARU SKYWALK AND ARA WATER FALL 아라마루 전망대 & 아라폭포

PHILIPPINES 2016: PASSPORT FOODS IN SM CLARK PAMPANGA